(binalot ako ng matinding pagnanais na tumula. kaya kahit pagod na sa lahat ng nangyari sa maghapon, heto't umutot pa ako ng isang poem.)
Tirik ang gabi.
Saksi ang anino sa pagbili
Ng pag-ibig na isang kilo,
walang bakas ng pagsamo,
o pag-suyo.
De-ora ang kalakalan
Ng mga kalamnan.
Mahirap na nga ang buhay,
Lalo na ang bumuhay
Ng isang patay,
Na dinala sa hukay ang iyong
Ang iyong puso.
Sadyang nakalulungkot
Ang kabalintunaan,
Na kung bakit bawal
Magpalabas sa loob
O dapat mahal ang magmahal.
Tirik
Ang
Gabi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
i will wait for more
Ang husay ng tula, lab-et!
you lost me at 'tirik'
dropping by
woof!
Post a Comment